Tumirada si Mark Maloles ng makapigil-hiningang three-point shot sa huling segundo para sandigan ang pagbangon ng New San Jose Builders kontra Emilio Aguinaldo College, 73-71, kamakailan sa 2016 MBL Open basketball championship, sa Rizal Coliseum.

Ang kabayanihan ni Maloles ang nagbigay tuldok sa dramatic comeback ng NSJBI, humabol mula sa 18-point pagkabaon upang tuluyang gulatin ang EAC at sungkutin ang ikatlo nitong dikit na panalo matapos ang tatlong talo.

Mas mahalaga rito, ang panalo ay naghatid sa Builders nina manager Jomar Acuzar at coach Ranier Carpio sa susunod na round sa eight-team tournament na itinataguyod ng Smart Sports, Ironcon Builders, Bread Story, Dickies Underwear, PRC Couriers at Gerry’s Grill.

Matapos ang three-pointer ni Maloles, ang Generals ay may tatlo pang pagkakataon upang isalba ang laro-- isa sa contested three-pointer upang manalo at dalawa sa short jumper matapos ang offensive rebound na magdadala sa overtime -- subalit bigo itong maisakatuparan.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang St.Clare College-Caloocan standout na si John Ambulodto ay gumawa ng 21 puntos at 14 rebound para sa NSJBI, nanalo rin laban sa Jamfy Pioneers-Secret Spices at Our Lady of Lourdes Technological College.

Nag-ambag naman si Maloles ng 15 puntos at nagdagdag si MLQU forward Nikko Lao ng 14 na puntos para NSJBI, sumandal sa foul troubles ng EAC.

Si Jose Remy Morada ay gumawa ng 16 na puntos habang sina John Gonzales at Raymund Pascual ay umiskor ng tig-10 puntos para sa EAC, na kumontrol sa laro sa kabila ng pagliban nina ace gunners Francis Munsayac at Igee King.

Sa unang laro, nanalo ang Jamfy-Secret Spices ng default laban sa Microtel.

Umabante ang Jamfy sa 3-2 kasalo ang EAC.

Iskor:

New San Jose (73) - Ambulodto 21, Maloles 15, Lao 14, Acuzar Je. 8, Telles 7, Puspus 4, Grimaldo 2, Palogan 2, Sumay 0, Acuzar J. 0. Santos 0.

EAC (71) - Morada 16, Gonzales 10, Pascual 10, Estacio 8, Neri 8, Corilla 6, General 4, Laminon 2, Guzman 2, Diego 2, Umali 2, Aguas 1.

Quarterscores

6-11, 29-40, 48-58, 73-71.