Iginiit ng human rights lawyer na si Atty. Lorna Kapunan na dapat ipagbawal ang paglalabas ng mga poll survey dahil ikinokondisyon lang, aniya, nito ang kaisipan ng mga botante pabor sa mga nagbabayad na kandidato.

Kandidato sa pagkasenador at inendorso ni Partido Galing at Puso presidential bet Sen. Grace Poe, ibinunyag ni Kapunan ang pag-aalok ng ilang nag-aahente para sa Pulse Asia at Social Weather Stations (SWS).

“Again survey is a popularity play. One of the things that I’d do is to ban surveys in the next elections because first, it’s mind-conditioning,” sabi ni Kapunan, iginiit na hindi ito makatarungan para sa mga kandidatong walang pera.

May adhikaing “laban para sa katarungan”, sinabi ng abogado na maraming nag-alok sa kanya na iaangat siya sa survey ng Pulse Asia at SWS.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

“Somebody texted me, in fact two or three times, I got a text… [nakasaad] ‘Attorney, matutulungan kita para ma-improve ang survey results mo’. Kaya raw niya ang Pulse at saka ‘yung SWS. Sabi niya ‘in the next two weeks, dito po ang aming survey areas…X,Y,Z’. Sasabihin na ‘for an X amount, ibibigay po namin sa inyo kung saan namin kukunin ‘yung survey sampling namin,” ani Kapunan. (Beth Camia)