Ipagpapatuloy ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pagsasagawa ng Personal Enhancement Program (PEP) for Sports ngayong bakasyon kung saan sentro ang module sa personality development sa Abril 14 at 15 sa Philsports Complex sa Pasig City.

May kabuuang 100 elite athlete at national coach ang makikibahagi sa PEP for Sports module bukas at sa Biyernes.

Nakapaloob sa personality development module ang pagbibigay ng kasanayan sa mga kalahok para mapataas ang kanilang confidence, assertiveness, at public carriage.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Pangangasiwaan ni George Mercado, kilalang training and development coach sa industriya, ang module lecture, habang magbibigay ng kanyang kaalaman ang language expert na si Lourdgina Cordero-Lalim.

Hinikayat ni PSC Commissioner at PEP for Sports director Wigberto “Iggy” Clavecilla, Jr. ang mga kalahok na dumalo at makiisa sa naturang programa.

“It is always good to improve on what we think we already know,” sambit ni Clavecilla, Jr.

Para masiguro na mas magiging epktibo ang pag-aaral, nilimitahan sa 50 kalahok ang bawat workshop at lecture.

“But if this week’s participants will provide great feedback and there will be a clamor for it to be re-conducted so that other athletes and coaches can attend, we will work for that to happen,”aniya.

Itinataguyod ang PEP ng PSC Board, sa pangunguna ni Chairman Richie Garcia.