Napaangat pa ni Michael Martinez ang kanyang katayuan sa ISU World Figure Skating Championships sa Boston matapos itong tumapos na ika-19 kumpara sa noong nakaraang taon na ika-21 na puwesto.

Si Martinez, na nagpamalas sa saliw nang musika ni Sergei Prokofiev na “Romeo and Juliet”ay perpektong nagawa ang kanyang free skate routine para makumpeleto ang kanyang programa na may triple axels at signature biellmann spin na nagbigay dito ng kabuuang 137.12 puntos para sa kanyang overall score na 204.10 sa men’s singles.

Si Javier Fernandez ng Spain, na nanguna sa nakalipas na dalawang taon, ay umiskor ng kabuuang 314.93. Si Yuzuru Hanyu ng Japan ang nag-uwi ng pilak sa kanyang 295.17 points, at ang Chinese na si Jin Boyang naman ang pumangatlo sa 270.99 points.

“Michael did not take the risk of executing his practiced quad jumps in fear of inconsistency and eventual deduction, should he fall. We are now training with international coach Igor Samohin to congeal his set of skills and hopefully break through the top 10 in the next competition” sabi ng ina nito na si Teresa Martinez.

John Amores, hindi banned sa liga; hatol ng PBA, pansamantalang suspensyon

“As an elite skater, he’ll always have the pain—chest, shoulder, hip, ankle, knee, back -- due to constantly falling on hard ice. If you’re not a tough skater, it will make you think twice about the sport. But Michael is in it to win it. He’s glad to see his improvement in the rink, but looks forward to winning the gold in the long run.”

Sapul nitong Abril 2016 ay nagawa ni Martinez okupahan ang 27th place sa overall world ranking.

Ipagpapatuloy ni Martinez ang kanyang pagnanais na muling makatuntong sa pag-asam sa 2018 Olympics kung saan tutulong dito ang SM sa kanyang pagsasanay sa Hulyo. (ANGIE OREDO)