Sa kabila ng deklarasyon ng Supreme Court (SC) na pinal na ang desisyon nito na nagpapahintulot kay Sen. Grace Poe na kumandidato sa pagkapangulo at hindi na tatanggap ng anumang mosyon, naghain nitong Lunes si Sen. Francisco Tatad sa Commission on Elections (Comelec), ng ikalawang mosyon na humihiling sa SC na baligtarin ang desisyon nito.

Sa mosyon, hiniling sa SC ni Tatad, sa pamamagitan ng kanyang abogadong si Manuelito Luna, na baligtarin ng kataas-taasang hukuman ang desisyon nito noong Marso 8, na pinagtibay sa resolusyon noong Abril 5, at i-disqualify si Poe bilang presidential candidate.

Sinabi ni Tatad na pinahihintulutan ng SC ang paghahain ng pangalawang motion for reconsideration kapag hindi pa matibay na naresolba ang mga isyu.

Aniya, ang kanyang motion for reconsideration at ang mga inihain ng mga kapwa niya complainant laban kay Poe ay dapat na resolbahin ng SC hindi sa pamamagitan ng paglalabas ng isang-pahinang resolusyon lamang.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sinabi ni Tatad na ang desisyon ng SC na pinagtibay sa resolusyon nito “lacks doctrinal value” dahil “no majority opined that the petitioner is a natural born-Filipino citizen and has met the residency requirement.” (Rey Panaligan)