Abril 13, 1918 nang agawin ng tropang German ang Helsinki, Finland mula sa radikal na sandatahan ng Red Guard, na suportado ng Russian Bolsheviks. Noong panahong iyon, inaayudahan ng Germany ang bagong parlamentong gobyerno ng Finland.

Taong 1809 nang sinakip ng mga Russian ang Finland, ngunit ang rebolusyon ng mga komunista ng una noong 1917 ang nagbunsod upang maging magdeklara ng kalayaan ang Finland. Sa Finland, may bangayan sa pagitan ng mga radical socialist at anti-socialist. Pinatay ng tropa ng Red Guard ang mga inosenteng sibilyan noong Enero 1918, at nahirapan ang gobyernong pro-Finland na “Whites” na talunin ang Red Guard.

Nagpadala ng mga tauhan ang Germany ng tauhan sa Finland upang suportahan ang Whites, noong Abril 3, 1918. Nagtatag ng monarchal rule ang mga konserbatibo sa Finland noong Oktubre 1918, at pinili ang liberal na German prince na si Frederick para sa trono.

Hunyo 1919 nang tuluyang makalaya ang Finland sa pamamagitan ng Treaty of Versailles. Pinagtibay ng parlamento ng Finland ang bagong konstitusyon noong Hulyo, at nahalal si Kaarlo Stahlberg bilang presidente.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon