Tiniyak ng isang batikang political analyst na aarangkada pa ang rating ng vice presidential candidate na si Senator Alan Peter Cayetano dahil sa pagkapanalo nito sa 2016 PiliPinas Vice Presidential Debate, na sinasabing mas matindi pa sa bakbakang Pacquiao-Bradley.

Sa paghimay ng political analyst na si Ranjit Rye sa VP debate, naging mataas, aniya, ang kalidad ng diskusyon at maituturing na magaling umano ang mga kandidato subalit aminado itong lumutang si Cayetano.

“Senator Cayetano had a very strong debate performance at mukhang klaro naman na sa debate, siya ang nanalo.

Maraming nagsasabi na he differentiated himself well.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

You disagree with the style or you may not agree with him in-person, pero klaro na napag-usapan niya iyong kanyang platforms at iyong pagkakaiba niya sa iba,”paliwanag ni Rye.

Tinuring ni Rye na positibong feedback/implikasyon ang inani ni Cayetano sa nasabing debate, pinatunayan umano ng senador na may malinaw siyang plataporma, may timeline sa pagresolba sa mga problema ng bansa, at nakita itong lahat ng mga nanood sa debate kaya naman siguradong maraming botante ang nakumbinse ni Cayetano.

Sinabi pa ni Rye na si Sen. Ferdinand“ Bongbong” Marcos, Jr. ang ‘tila naging Bradley sa nasabing debate matapos itong kuyugin ng mga katunggali nito sa isyu ng kurapsiyon sa panahon ng yumaong ama nito na si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos.