Nanawagan ang grupong Karapatan sa awtoridad na palayain na ang 78 magsasaka mula sa North Cotabato na nagsagawa ng kilos-protesta sa Makilala-Kidapawan national highway subalit nauwi sa karahasan nitong Abril 1.

Matapos kasuhan ng illegal assault, nangangalap ngayon ng pondo ang mga ikinulong na magsasaka upang makapaglagak ng piyansang tig-P12,000.

Binatikos ni Cristina Palabay, secretary general ng Karapatan, ang pagtanggi ng prosekusyon sa hiling ng mga magsasaka na bawasan ang piyansang P12,000 na inihain ng kanilang abogado mula sa Union of People’s Lawyers at National Union of People’s Lawyers.

“Let us not forget that the peasants were in Kidapawan to seek the release of rice because they are hungry and could no longer plant. How on earth could they post bail amounting to more or less P1 million when they could not even afford a kilo of rice? Nasaan ang hustisya dito?” tanong ni Palabay.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

Sa 78 magsasakang nakakulong, 45 ay lalaki, 29 ang babae, at may apat na menor de edad.

Iginiit din ni Palabay na mayroon ding tatlong buntis at anim na nakatatanda sa grupo na dinampot ng pulisya.

(Chito A. Chavez)