Ipinahayag ng Pintakasi of Champions at pamunuan ng Araneta Coliseum kahapon na ang pagtatanghal sa ikalawang edisyon ng World Slasher Cup ay gaganapin sa Mayo 26 hanggang Hunyo 1.
Mula sa matagumpay na 2016 World Slasher Cup-1 Invitational Derby, pinakamalaki sa kasaysayan ito na ginanap Enero 30 – Pebrero 4 ngayong taon, nangangako ang organizer na hihigitan pa ang nakaraang kumpetisyon.
Ang ikalawang edisyon ay magkakaroon ng magkahiwalay na two-two-cock elimination days na nakatakda sa ika-26 at 27 ng Mayo, na susundan ng dalawang two-cock semis sa Mayo 28 & 29.
Ang 4-cock pre-finals ay gaganapin sa ika-30 & 31 ng Mayo para sa mga makaka-iskor ng 2, 2.5 at 3 puntos.
Sentro ng pagtatanghal ng 2016 World Slasher Cup-2 ang four-cock grand finals sa unang araw ng Hunyo kung kailan lahat ng kalahok na may iskor na 3.5 o 4 puntos ang maghaharap para sa kampeonato.
Nakatakda sa P88,000.00 ang entry fee, habang ang minimum bet requirement naman ay P33,000.00.
Ang 2016 World Slasher Cup-2 Invitational Derby ay hatid ng Thunderbird Platinum, Thunderbird Bexan XP, Gamefowl Magazine, Supersabong, - Bigtime Sabong sa Telebisyon, Chicken Talk at Cockpihan – Usapang Sabong sa Radyo.