Mula sa kawalan, nagkaroon ng bagong pag-asa at lakas ang kampanya ng University of the Philippines Lady Maroons nang gapiin ang University of Santo Tomas, 17-25, 25-21, 25-20, 25-20, para masiguro ang playoff para sa No. 4 spot ng UAAP Season 78 women’s volleyball tournament Final Four.
Tinapos ng Lady Maroons, suportado ng dietary supplement L-Carnitine CardiMax, ang two-round elimination na may 8-6 karta.
Nakabuntot sa kanila ang National University (7-6) na haharap sa No. 2 La Salle sa huling laro sa Miyerkules. Sakaling manalo, haharapin ng Lady Maroons ang Lady Bulldogs sa playoff para sa No. 4 spot.
Sa kasalukuyan, tangan ng Ateneo ang No. 1 spot, kasunod ang may twice-to-beat ding La Salle Spikers at No. 3 ang Far Eastern U.
Ayon kay Lady Maroons Vice Captain Nicole Tiamzon, na bukod sa determinasyon na kanilang ipinakita maging sa ensayo, malaki ang naitulong sa kanilang resistensiya ng Cardimax na ginagamit nilang vitamin supplement sa nakalipas na buwan.
“It’s hard for our bodies to warm up in big, heavily-air conditioned venues, but it became easier for us to work up a sweat after CardiMax. It also helped us play with more intensity,” pahayag ni Tiamzon.
Iginiit ni Tiamzon na isang non-toxic at natural amino acid ang L-Carnitine na siyang sangkap ng Cardimax. Aprubado umano ito ng UP medical team dahil sa ligtas na sangkap na tumutulong umano sa pagpapatibay ng puso sa panahon nang pagbabawas ng timbang.
“With sufficient amounts of L-Carnitine, athletes are able to perform at a higher level,” pahayag ni Katheryn Feliciano, Integrated Pharmaceutical, Inc.’s VP for Operations.
“Because CardiMax does not have adverse side effects, it is ideal for athletes doing intense activities over long periods of time,” aniya.