Regine-Velasquez-550x366

Ni NORA CALDERON

FULL concert ang kick-off ng Regine Series Mall Tour ni Regine Velasquez-Alcasid na ginanap sa SM City Bacoor last Sunday.

Hindi na nga namin nabilang ang napakaraming songs na inawit ng Asia’s Songbird. Kaya naman enjoy na enjoy ang mga nanood.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Pero halatang mas nag-enjoy si Regine. Katunayan, napapatawa siya habang kumakanta sa grupu-grupong naglulundagan at naghihiyawan sa panonood sa kanya.

Bahagi ang Regine Series Mall Tour ng pagiging ambassador niya ng PLDT Home Regine Telset, na ayon kay PLDT Vice President and Home Marketing Head na si Gary Dujali ay very successful nang una nilang isagawa last year, dahil mabilis na naubos ang kanilang stocks.

Kaya bilang pasasalamat sa kanilang customers, hindi na sa Metro Manila lamang gagawin ang series of mall tour ngayong taon kundi nationwide na.

Hindi dapat palampasin ng napakaraming fans ni Regine ang pagkakataon na mapanood nang personal ang kanilang idol dahil kung paano mag-perform si Regine sa full-packed na malalaking venue ay ganoon din ang mapapanood nila sa serye ng free mall shows na ito.

“Pagkatapos dito, magkakaroon kami ng mall tour sa Cebu, Davao at iba pang probinsiya sa south,” sabi Regine. “Pagkatapos doon, sa north naman kami pupunta. For more information tungkol dito, bisitahin lang ninyo ang pldthome.com/landline.  May bago rin kaming set of limited edition landline phones, na available sa halagang P99 per month lang. Mayroon lang akong Timeless  - The USA Concert Tour 2016 sa May pagkatapos tuluy-tuloy na ang mall tour ko.”

Naidagdag sa Regine Series Mall Tour ang co-host na kaboses niyang si Regina, ang “That’s My Bae” ng Eat Bulaga at nagkaroon din ng sing alike contest.  Nakakatuwa dahil hindi lang girls ang puwedeng sumali kundi pati lalaki at gays.

Pagkatapos ng show, tinanong namin si Regine kung hindi ba siya tumutol na magkaroon ng singing contest within her mall show?

“No.  I want to inspire them. Hindi ko nga maintindihan kung paano nila nagagaya ang boses ko, nakakatuwa. Tulad kanina, habang kumakanta sila, nasa backstage ako at hindi mo iisipin na hindi ako ang kumakanta.  Masaya ako kay Renz Lee, iyong nanalo kanina dahil ako raw talaga ang paborito niyang singer at tuwing sasali siya sa mga singing contests, mga songs ko ang kinakanta niya. Sana sa mga ganoong paraan, nakakatulong ako sa kanila. Iyong iba naman, talagang sumali sila ngayon para lang makita nila ako nang personal, nakakataba ng puso.”

Walang pagbabago sa boses ni Songbird. Gustung-gusto nang awitin niya ng movie theme songs niya, na kahit nakaupo lang siya, wala pa rin siyang kahirap-hirap sa matataas na nota. Kumanta rin siya ng songs ni Adele, ang Hello at ang All I Ask na pinag-aralan lamang daw niyang kantahin 30 minutes before the show.

Nag-imbita rin si Regine sa audience na panoorin ang kanyang family drama-romantic-comedy series sa GMA-7 na Poor Senorita gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras. Nagpasalamat din siya sa suporta ng televiewers kaya mataas ang kanilang rating. 

(Editor’s note: Nagtaka rin ako kung bakit hindi kagaya ng ibang singers na dalawa-tatlong kanta lang sa mall tours, at minus one lang ang accompaniment, saka bigla nang tatakas. Si Regine, hindi iniwanang bitin ang audience, at live band. Saka kinanta na ang halos lahat ng hits niya! “Ganyan talaga ang mall tour niya,” sabi sa akin ng PR head ng PLDT Home na si Ms. Shirley Pizarro. Kitang-kita na napakasaya ni Regine sa ganitong intimate engagement, direkta agad ang reaksiyon ng fans na nanonood at nakikinig sa kanya. Lagi ko siyang pinapanood sa malalaking venue na may bayad, at na-realize ko last Sunday na me bayad man o libre, pareho ang ibinibigay niyang performance.)