Hiniling ng isang party-list congressman na imbestigahan ang umano’y kuwestiyonableng pagdiskuwalipika ng Department of Health (DoH) sa public bidding ng isang Pinoy inventor na lumikha ng anti-dengue mosquito product.

Sa kanyang inihaing House Resolution No. 2264, nagduda si Ang Nars Party-list Rep. Leah S. Paquiz kung bakit nadiskuwalipika sa bidding ng DoH sa pagbili ng larvicide si Christian Herbosa, na lumikha ng “Kiti-Kitix”, isang indigenous product na panlaban sa mga lamok na nagdadala ng dengue virus.

Sa halip, sinabi ni Paquiz na ipinagkaloob ng DoH Central Office Bids and Awards Committee (COBAC) ang kontrata sa G Chem Trading Corporation, na umano’y distributor ng produktong gawa sa Japan.

Hiniling ni Paquiz sa House Committee on Health and Good Governance and Public Accountability na imbestigahan at ipatawag ang mga opisyal ng DoH COBAC upang magpaliwanag sa kontrobersiya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Bukod sa mabisa at subok na, sinabi rin ni Paquiz na ang “Kiti-Kitix” ang pinakamurang anti-dengue product sa lokal na merkado. (Ben Rosario)