BANGKOK – Itataya ni International Boxing Organization (IBO) world light flyweight champion Rey “Singwancha” Loreto ang dangal ng bayan sa pakikipagharap sa mapanganib na si Koji Itagaki ng Japan sa Abril 24 sa Marina Hop sa Hiroshima, Japan.

Ang 10-round fight ang main event sa programa ng Sanei Fight Pro Boxing Spring Series sa promosyon ng Hiroshima Sanei Promotions.

“Loreto is now ready to fight in Japan,” sambit ni Brico Santig, manager ni Loreto. Si Santig ang pinarangalan bilang Promoter of the Year sa WBO Conference kamakailan.

Tangan din ni Loreto ang World Boxing Association (WBA) International minimum weight title.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Puspusan na ang paghahanda ng 25-anyos na si Loreto (21-13) na galing sa first round knockout win kontra Fapikat Twin Gym noong Enero 22 sa Ambassador Hotel sa Bangkok, Thailand.

“Loreto is now really very good and strong,” sambit ni Santig.

Tinanggap ni Loreto, isang southpaw mula sa Davao City, ang ikalawang sunod na Gabriel Elorde Boxer of the Year award kamakailan matapos maidepensa ang IBO World title via first round TKO kontra Nkosinathi Joyi noong Marso 22, 2015 sa Mdantsane Indoor Centre in Mdantsane, Eastern Cape, South Africa.

Sa sinamang-palad, hindi pa nakukuha ni Loreto ang premyong P2 milyon mula sa naturang panalo.

“Nag one year na lang hindi pa rin kami nababayaran ng promoter,” sambit ni Santig.