Kathryn Bernardo

Ni ADOR SALUTA

NAGDIWANG ng 20th birthday nitong nakaraang linggo si Kathryn Bernardo. Sa kanyang unti-unting pagtalikod sa teenage years, ano ang mga magaganap sa kanya patungong adulthood?

“Alam mo ‘pag tinatanong nila, sinasabi ko I don’t know what to expect, sinasabi ko lang excited ako and I am looking forward sa  mga mangyayari now that I am 20. Excited ako kung papa’no ko siya maha-handle and kung papano ako natututo before and maa-apply ko na siya now,” bungad ng teen actress nang makapanayam sa kanyang book launch sa Eastwood Mall last Sunday.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Ano ang greatest realization niya sa mga nagdaang taon? 

“Siguro ‘yung pagiging strong sa lahat. Before kasi medyo fragile ako pero because of all the experiences before, sa lahat ng nangyari, I think I learned a lot and kailangan talaga maging strong ka para mas ready ka to face everyone. Kailangan mo mahalin sarili mo at kailangan talaga hindi ka mag-stop ‘pag may problema ka, and gawin mo ‘yung motivation mo to be a better person,” pahayag pa ni Kathryn .  

Ngayong 20 years old na siya, mas  pagtutuunan niya ang pagganap  sa mature roles kaysa sa pa-tweetums.

“Of course, yes, ‘yun naman ang gusto namin habang nag-iiba ‘yung age mo nag-iiba rin ‘yung mga ginagawa mo and isa ‘yun sa gagawin namin under Star Cinema. Sinabi na sa amin na seryoso talaga and pini-prepare na kami kung papa’no gagawin ‘yung role, kinakabahan na kami ni DJ (Daniel Padilla).”

Naiiba kumpara sa dating projects nina Kathryn at Daniel ang pelikulang sa Barcelona, Spain ang kukunan ang halos 90% ng eksena.

“We’ll start shooting soon but for the final details, wala pa. For sure ‘yung 90 percent of the movie iso-shoot namin siya sa Barcelona so parang lahat and of course to be directed by Olivia Lamasan.”

Kahit wala pang kumpletong detalye sa kanilang next movie ni Daniel, inaamin  ni Kathryn na pressured siya  sa next project.

“Nakaka-pressure talaga pero with the guidance of Tita Malou (Santos) and Inang (Direk Olive), sa kanila kami kumakapit at alam ko naman na hindi kami nila pababayaaan and I’m so excited dito kasi first time kong makatrabaho si Inang at dream ng lahat ‘yun. Kaya I am very happy and iti-take ko ‘to as a challenge para maging maganda ang outcome ng movie,” aniya.

Late na ang paglunsad ng libro ni Kathryn na ang orihinal na plano ay isasabay sana sa kanyang debut two years ago.

“Actually, before pa lang, dream na ng lahat yata na magka-book. ‘Pag sinabing naging author ka ng book parang, wow ang saya naman and sakto lumapit sa akin ang Summit (Media), they asked for a meeting and sobrang kinilig ako kasi iniisip ko pa lang ‘to. ‘Tapos ang lahat ng ideas ko at ng ideas nila swak lahat so sinabi namin ‘yung ‘di ko pa kasi nagagawa itong book kasi nagka-album na and then napapanood na nila sa TV, may mall shows and may movie so ‘yung bagay na ‘di mo nagagawa na p’wede kong iregalo sa mga fans ko is really the book.  

“It’s the perfect idea at sobrang saya ko ngayon dahil ang daming nagtu-tweet na nakaka-relate sila, nabasa nila ‘yung book at nag-enjoy sila at ang sarap sa pakiramdam na nakaka-relate ang lahat kasi ‘yun talaga ‘yung target namin.” 

Samantala, iti-treat ni Kathryn ang kanyang KB Buddies sa isang get-together sa Le Reve Events Place sa Sct. Esguerra  ngayong araw.