Upang masukat ang kanilang kahandaan sa pag-transmit ng mga resulta ng botohan sa Election Day, magsasagawa ang Commission on Elections (Comelec) ng transmission test sa iba’t ibang bahagi ng bansa ngayong buwan.

“We want to see if we can accurately transmit the results on Election Day,” pahayag ni Comelec Chairman Andres Bautista sa isang panayam. Ibinunyag din ng poll chief na nagsagawa na ng survey sa lugar ang kanilang technology provider na Smartmatic International.

“Just so we have an idea which sites have strong signals and which telecommunication provider has a strong signal,” sabi ni Bautista.

Ngunit kapag nagkaroon ng problema sa Election Day, gagamit sila ng satellite.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Gayunman, ipinaliwanag ng poll chief na ang pangunahin nilang gagamitin ay ang Subscriber Identity Module (SIM) cards dahil “they cost less”.

Gagamitin ang satellite-based Broadband Global Area Network (BGAN) bilang back-up. - Leslie Ann Aquino