Binabalak ng Quezon City government na magtayo ng bagong botanical garden, zoological park at oceanarium sa lungsod.
Ayon kay Mayor Herbert Bautista, target nilang itayo ito sa malawak na lupain ng UP-Diliman, na hindi lamang aakit sa mga turista kundi magsisilbi ring learning facilities para sa mga mag aaral ng botany, zoology at marine biology.
“Putting up such projects can be the result of a local government partnership with the university and private investors capable of developing world-class attractions that are environmentally and economically sustainable” saad ni Bautista.
Idinagdag ng alkalde na isang paraan rin ito ng lokal na pamahalaan upang mapreserba ang UP Arboretum na ngayon ay pinamumugaran ng mga squatter at maraming puno ang napuputol. - Jun Fabon