CHICAGO (Reuters)— Nadiskubre ng mga scientist sa Brazil ang isang bagong brain disorder na iniugnay sa Zika infections sa matatanda: isang autoimmune syndrome na tinatawag na acute disseminated encephalomyelitis (ADEM) na inaatake ang utak at spinal cord.

Ipinakikita ng bagong tuklas na ang Zika ay maaari ring magbunsod ng immune attack sa central nervous system.

Ang ADEM ay karaniwang nangyayari matapos ang infection, na nagdudulot ng matinding pamamaga sa utak at spinal cord at sumisira sa myelin, ang white protective coating sa nerve fibers. Nagreresulta ito sa panghihina, pamamanhid, pagkawala ng balanse at paningin, at mga sintomas na tulad ng multiple sclerosis.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'