Mga laro sa Huwebes (Moro Lorenzo Field)

2 n.h. -- ADMU vs DLSU (m)

4 n.h. -- UST vs NU (m)

Umiskor si rookie Jarvey Gayoso sa ika-80 minuto upang ipanalo ang Ateneo kontra defending champion Far Eastern University, 1-0, at palakasin ang kanilang semifinals bid sa UAAP men’s football tournament sa McKinley Hill Stadium sa Taguig.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sinamantala ni Gayoso ang error ni Tamaraws goalkeeper Ray Joyel para mabigyan ang Blue Eagles ng 3 puntos.

Dahil dito,umakyat ang Blue Eagles sa ikaapat na puwesto at nilagpasan ang University of Santo Tomas na nakapuwersa ng 1-1 draw kontra Adamson University.

Ito ang ikalawang sunod na pagkakataon na nabigong makaiskor ng goal ang Tamaraws kasunod ng kanilang scoreless draw laban sa National University.

Nanatili ang Tamaraws na may 24 na puntos kapantay ng University of the Philippines kasunod ang De La Salle na may 23- puntos kasunod ng 2-0 panalo nito kontra University of the East, na naglagak sa kanila sa solong ikatlong puwesto.

Bumaba naman ang Growling Tigers sa ikalimang puwesto, taglay ang 19 puntos.

Samantala, sa women’s football, nagtapos ang laban ng FEU at UST sa goalless draw upang paghatian ang puntos.

Nanatiling pangatlo ang Lady Tamaraws na may 8 puntos habang pang- apat naman ang Tigresses na may 7 puntos. - Marivic Awitan