Abril 12, 1861 nang iputok ang mga unang bala sa American Civil War.

Opisyal na nagsimula ang digmaan nang magpaputok ng baril ang Confederates sa Fort Sumter sa Charleston Harbor, South Carolina. Nasa 4,000 bala ang pinaputok mula sa dalampasigan patungo sa direksiyon ng fort, sa loob ng 33 oras. Nakubkob kalaunan ang Fort Sumter, nagtamo ng pinsala, hanggang nagwagayway ng puting bandila sa garison nito.

Bagamat walang nasawi sa magkabilang panig, dalawang Union soldier ang napatay ng gun salute na pinakawalan ng mga papaalis na sundalo. Pumutok nang wala sa oras ang mga kartutso.

Sa loob ng maraming buwan, ang naturang fort ang pangunahing dahilan ng alitan ng Union at ng Confederacy.

Mga Pagdiriwang

ManilART 2024: Alamin ang iba’t ibang sining na tampok dito

Pagkatapos na maihiwalay ang South Carolina, iniutos ng estadong Confederate sa Union na isuko nito ang Fort Sumter, ngunit tumanggi ang huli.

Ang insidente ay tinawag na halos walang dugo, ngunit nagbunsod sa “America’s bloodiest war.”