MULING ginawaran ang ABS-CBN ng Best TV Station award at pinarangalan din ang mga programa at anchor nito sa radyo at cable TV, kaya nag-uwi ang Kapamilya Network sa kabuuan ng 24 na tropeo mula sa 14th Gawad Tanglaw.

JODI AT JULIA

Tinanggap ng nangungunang media and entertainment company ang karamihan sa major awards sa entertaintment, pati na rin sa news and current affairs sa ginanap na awarding ceremony sa De La Salle-Zobel Alabang noong Abril 8.

Si Noli de Castro ng TV Patrol ang nanalo bilang Best Male Anchor in a News Program, kinilala ang My Puhunan bilang Best Public Service Program, at ang SOCO naman ang Best Investigative Program.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Samantala iniuwi naman ng ANC (ABS-CBN News Channel) ang Best Business Program (On The Money), Best Lifestyle Program (Green Living), Best Opinion Talk Show (Headstart with Karen Davila), at Best Sports Program (Hardball).

Hindi rin nagpahuli ang DZMM, na muling napanalunan ang Radio Station of the Year, at nakuha rin ang Best Radio Female Anchor (Kaye Dacer for Aksyon Ngayon) at Natatanging Tanglaw ng Bayan sa Sining ng Radyo (Usapang Kapatid).

Ang 14-taong award-giving body, na binubuo ng mga respetedaong kritiko, iskolar, at mga kilalang tao sa akademiya, ay pinarangalan din ang top-rating entertainment programs at artista ng network. Best TV Series ang FPJ’s Ang Probinsyano, Best Variety Show ang ASAP, Best Comedy Show ang Home Sweetie Home, Best Game Show ang Celebrity Playtime, Best Reality/Talent Show ang Your Face Sounds Familiar, at Natatanging Gawad sa TV-Edukasyon ang Nathaniel.

Ang mga panalo naman sa Kapamilya stars ay pinangunahan nina Coco Martin (FPJ’s Ang Probinsyano) at Paulo Avelino (Bridges of Love), na parehong nanalo sa Best Performance by an Actor in a TV Series at nina Julia Montes (Doble Kara) at Jodi Sta. Maria (Pangako Sa ‘Yo), na inuwi pareho ang Best Performance by an Actress in a TV series. Ang iba pang Kapamilya na nakatanggap ng awards ay sina Marco Antonio Masa (Natatanging BATA - Bibo, Aktibo at Talentadong Anak ng Sining para sa Nathaniel), Pilar Pilapil (Best Supporting Actress sa Etiquette for Mistresses), Gerald Anderson (Best Single Performance by an Actor, para sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya), Angel Aquino (Best Single Performance by an Actress, para sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya), at ang DJ ng FM radio station ng ABS-CBN na MOR 101.9 na si DJ Chacha (Best Radio DJ).

Ito ang ikalimang Best TV Station na napanalunan ng ABS-CBN ngayong taon. Ang multimedia corporation, na nagpalawak na ng kanilang negosyo ay hindi na lamang limitado sa radyo at telebisyon kundi nangunguna rin sa industriya ng pelikula, musika, cable TV, at pati na rin sa paglilimbag. Sila rin ang kauna-unahang nagpatatag ng digital television sa pamamagitan ng kanilang “mahiwagang black box” sa ABS-CBN TVplus, pati na rin ang pagtatag ng sariling mobile telephone company nito, ang ABS-CBNmobile, na nagbibigay ng exclusive made-for-mobile content, ang isa sa mga maraming pinasimula ng ABS-CBN bilang nangungunang media at entertainment na kumpanya sa buong bansa.