Maaksiyon ang isang bahagi ng scrimmage ng mga batang babaeng kalahok sa JR. NBA/WNBA Camp.

May kabuuang 16 na batang lalaki at walong babae ang nangibabaw sa mahigit 1,000 kalahok sa isinagawang Manila Regional Selection Camp ng Jr. NBA/Jr. WNBA Philippines 2016 nitong weekend sa Don Bosco Technical Institute sa Makati City.

Sa kabuuan, 14 sa 16 Jr. NBA finalist ang residente sa Metro Manila, habang ang dalawa ay nagmula sa Batangas City at Bacolod City, ayon sa pagkakasunod.

Magkakasama para sa susunod na level ng pagsasanay sina Mark Glenn Gabon, 14, ng National University; Luis Gabriel Aguila, 13, ng Nazareth School of NU;

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Johndhel Austria, 13, ng Escuela de Sophia; Jearico Nunez, 13, ng University of Perpetual Help System-Dalta; Kai Zachary Sotto, 13, Jericho Ross Paglinawan, 14 at Mark Nicole Lucban, 13 mula sa St. Francis of Assisi School; Reich Randell Villegas, 13, ng Ateneo de Manila; Prince Junnell de Belen, 13, ng San Isidro Catholic School; Pauloh Villarin, 13, ng De La Salle Zobel;

Patrick Lance Inting, 14, ng Our Lady of Pillar Catholic School; Miguel Rey Luis, 13, ng Xavier School; Anjelo Raphael Argente, 14, ng De La Salle Lipa at Andrei Philip Lechoncito, 13, ng St. John’s Institute of Bacolod.

Binubuo naman ang Jr. WNBA finalist na magpapamalas ng kahusayan nina Dianne Camille Nolasco, 11, ng Miriam College; Lalaine Gonzales, 13, ng Escuela de Sophia; Carly Monreal, 13, at Princess Marie Villarin, 10, ng De La Salle Zobel; Jonalyn Bongalos ng University of Perpetual Help System-Dalta; Lindsey Nacional, 12 ng Baptist Bible Seminary Institute, Taytay; Magda Lioui Flores, 13, ng Christian Grace School of Cavite at Ma. Cecilia Quilenderino ng Dalig National High School of Antipolo.

Umabot sa record 1,114 kalahok ang nagpatala sa ikaapat at huling Jr. NBA/Jr. WNBA Philippines 2016 Regional Selection Camp na itinataguyod ng Alaska – pinakamaraming kalahok na naitala mula nang simulan ang programa noong 2007.

Makakasama rin sa camp ang mga batang atleta mula sa Southern Tagalog at Visayas region tulad nina Jem Joaquin, 14, at Mark Salibio, 12, na kapwa nagmula sa indigenous Ati tribe ng Boracay.

Naranasan ng mga batang player ang iba’t ibang uri at level ng pagsasanay, sa pangangasiwa ng Jr. NBA/Jr. WNBA evaluation committee, sa pamumuno ni Jr. NBA Coach Craig Brown at Alaska Aces Assistant Coach Jeffrey Cariaso.

Makakasama ang 24 na premyadong camper sa National Training Camp at bibigyan ng pansin hindi lamang ang kanilang talento kundi maging ang kahandaan sa pagsunod sa Jr. NBA/Jr. WNBA core S.T.A.R. values na Sportsmanship, Teamwork, a positive Attitude at Respect.

“The Jr. NBA Philippines is the league’s longest-running youth basketball participation program outside the United States that continues to positively impact the lives of children, parents, and coaches,” sambit ni NBA Philippines Managing Director Carlo Singson.

“Together with Alaska, we are committed to providing world-class basketball instruction to further our mission of encouraging an active lifestyle among Filipino youth,” aniya.