Legaspi City -- Nakataya ang pitong gintong medalya sa elementary at secondary athletics habang may lima sa special games sa unang araw ng kompetisyon ng 2016 Palarong Pambansa na magsisimula ngayon sa Albay-Bu Sports & Tourism Complex sa Legaspi City, Albay.

Unang paglalabanan sa ganap na 6:00 ng umaga ang Secondary Girls 3,000m run na susundan ng Secondary Boys Javelin Throw, Elementary Girls Shot Put,  Secondary Boys Long Jump kasama ang Special Games sa Boys and Girls MC 16 Above Long Jump at MC 15 Below 100m dash.

Sisimulan ganap na 3:00 ng hapon ang Secondary Girls Javelin Throw, Elementary Boys Shot Put, Elementary Girls Long Jump kasama rin ang Special Games sa Boys and Games MC 15-Below OH 15Below , Boys and Girls MC 16 Above 100m at Visually Impaired 15 Below 100m dash.

May kabuuang 485 medalya tampok ang 151 ginto, 151 pilak at 183 tanso ang paglalabanan sa Elementarya habang may 610 medalya --187 ginto, 187 pilak at 236 tanso -- sa Sekondarya.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Paglalaban sa Demonstration Sports ang kabuuang 25 ginto, 25 pilak at 45 tanso para sa kabuuang 95 medalya.

Tulad ng nakaugalian, isasagawa ang tradisyunal na opening ceremony ganap na 4:00 ng hapon na isang simple, ngunit makabuluhang programa na may temang: “Transforming communities, transcending through K to 12”.

Magbibigay ng mensahe sina Municipality of Daraga Mayor Gerry Jaucian, Legaspi City Mayor Noel Rosal at DepEd Regional Director Ramon Fiel Abcede, bago isagawa ang turn-over ceremony sa hosting ng torneo na tatanggapin mismo ni Albay Governor Joey Salceda.

Umaasa naman si Salceda na magiging makasaysayan ang pagsasagawa ng pinakaunang edisyon ng Palaro sa lalawigan na bantog sa buong mundo sa pagkakaroon ng aktibo at mayuming bulkang Mayon.

“We (The province of Albay) wishes to have all participants have a wonderful stay and that more Palaro and even national junior or elite records can be broken,” sambit ni Salceda.

Matatandaang may kabuuang 17 rekord ang natabunan sa nakalipas na edisyon ng Palarong Pambansa – 15 sa swimming at dalawa sa athletics.

Asam naman ng Palaro na makatuklas ng mga world class talent at posibleng pumalit kina multi-titled Elma Muros at Lydia de Vega sa athletics; Diane Castillejo sa tennis; Joper Esqueta at Gabriel Magnaye sa badminton; Violito Paylo sa boxing; Akiko Thompson sa swimming; Joan Chan sa Archery; at Mark Paragua sa chess.

Paglalabanan sa Elementary at Sekondarya ang mga sports na archery, athletics, badminton, baseball, basketball, billiards, football, futsal, gymnastics, sepak takraw, softball, swimming, volleyball at wrestling. - Angie Oredo