Ni Gilbert Espeña

Tatangkain ni WBO No. 1 light welterweight contender Jason “El Niño” Pagara ng Pilipinas na patulugin ang karibal na si Mexican Miguel “Mikol” Zamudio sa Abril 23 sa Cebu City Sports Center (CCSC) upang magkaroon ng pagkakataong hamunin si WBO WBO world super lightweight champion Terrence Crawford ng United States.

Magsisilbing undercard ang sagupaan nina Pagara at Zamudio sa “The Time Has Come: Donaire Vs. Bedak” card kung saan ipagtatanggol sa unang pagkakataon ni Donaire ang kanyang WBO super bantamweight belt laban kay No. 4 challenger Zsolt Bedak ng Hungary.

Manonood sa mga laban sina Top Rank big boss Bob Arum at WBO President Francisco Valcarcel kaya kailangang impresibong manalo si Pagara upang maging mandatory contender siya ni Crawford na nagbabalak namang umakyat sa welterweight division.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“I really want to fight Crawford that’s why I will make sure I will win convincingly and get Arum and Valcarcel’s attention. The fight won’t last for 10 rounds,” sabi ni Pagara.

Target ding magpasiklab ng isa pang Pilipino na si Mark “Magnifico” Magsayo na kakasa kay one-time world title challenger Chris “The Hitman” Avalos ng United States.

Nais ni Magsayo na makabalik sa world rankings at mangyayari ito kung maganda ang kanyang performance laban kay Avalos.

“I have to train very hard for this because it’s the biggest fight of my life with boxing’s big bosses watching,” diin ni Magsayo.