KUALA LUMPUR (AFP) — Mahigit 250 paaralan sa Malaysia ang ipinasara noong Lunes dahil sa heatwave na dulot ng El Niño weather phenomenon na matinding nakaapekto sa produksiyon ng pagkain at nagdulot ng kakulangan sa tubig sa bansa.

Iniutos ng mga awtoridad ang pagpasara sa mga eskuwelahan sa Perlis at Pahang matapos pumalo ang temperatura sa mahigit 37 degrees Celsius sa loob ng 72-oras.

Sinabi ng education ministry na ginawa nila ito para parotektahan ang kalusugan ng may 100,000 estudyante, iniulat ng official news agency Bernama.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture