Pinaalalahanan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga botante na mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng cell phone sa loob ng polling precincts sa halalan sa Mayo 9.

Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, naglabas na ng resolusyon ang komisyon kaugnay ng naturang panuntunan upang maiwasan ang anumang ilegal na aktibidad sa panahon ng eleksiyon, tulad ng vote buying.

Kabilang umano sa ipinagbabawal ang pagte-text, pagtawag, at maging ang pagkuha ng larawan, gamit ang cell phone sa loob ng polling precinct, lalo na kung ang kukuhanan ng litrato ay ang balota o ang voter’s receipt.

Mas makabubuti, ayon kay Bautista, kung huwag na lang bitbitin ng mga botante ang kanilang cell phone sa loob ng polling precinct.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

Kaugnay nito, nilinaw naman ni Bautista na pinapayagan ang mga miyembro ng board of election inspectors (BEIs) na gumamit ng cell phone kung may emergency. - Mary Ann Santiago