CITY OF SAN FERNANDO, Pampanga – Dalawang umano’y kilabot na drug pusher ang napatay ng mga operatiba ng Zambales Police Provincial Office matapos mauwi sa engkuwentro ang ikinasang anti-drug operation sa Barangay Carael, Botolan, Zambales, kahapon ng umaga.

Sa report kay Chief Supt. Rudy Lacadin, director ng Police Regional Office (PRO)-3, kinilala ang mga napatay na sina Dante Braganza at Ariel Quirernesta, kapwa kabilang sa top 10 drug personality na kumikilos sa Zambales, at parehong taga-Sta. Cruz.

Ayon kay Lacadin, sa kasagsagan ng transaksiyon sa buy-bust ay biglang nakahalata ang mga suspek at nakipagbarilan ito sa mga pulis, na agad na ikinamatay ng dalawa.

Nagtamo ng mga tama ng bala ng baril sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan sina Braganza at Quirernesta, habang wala namang nasugatan sa panig ng pulisya.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Nabatid na nakumpiska mula sa dalawang suspek ang marked money, dalawang .38 caliber revolver na kargado ng mga bala, 12 plastic sachet ng hinihinalang shabu, at drug paraphernalia. - Franco G. Regala