CAMP DANGWA, Benguet - Patay na ang isang dalagita nang matagpuan ng mga rescuer matapos siyang malunod sa ilog habang naliligo sa Pinukpuk, Kalinga, iniulat ng Police Regional Office (PRO)-Cordillera sa La Trinidad, Benguet.

Ayon kay Supt. Cherrie Fajardo, regional information officer, nangyari ang aksidente sa pagitan ng 3:00-4:00 ng hapon sa may Saltan River sa Barangay Junction, Pinukpuk.

Sa ulat ng Pinukpuk Municipal Police, naliligo si Michelle Pinading Calagui, 13, kasama ang dalawang kaibigang kapwa menor de edad sa Saltan River nang hindi na siya umahon. - Rizaldy Comanda

Probinsya

Lolang kalalabas lang sa ospital, todas sa salpok ng motorsiklo!