VATICAN CITY (AP) — Iginiit ni Pope Francis na dapat hayaan ng bawat isa na ang kanilang konsensiya ang maging gabay sa masalimuot na isyu ng sex, kasal at buhay pamilya sa isang mahalagang dokumento na inilabas nitong Biyernes na nagtatakwil sa pagbibigay-diin sa “black and white rules” para sa mga Katoliko.

Sa 256-pahinang dokumento na pinamagatang “The Joy of Love” o “Amoris Laetitia” sa wikang Latin, halos walang binago si Francis sa mga doktrina ng simbahan.

Ngunit sa mga piling pagbanggit sa kanyang sinundan at sa pagbibigay-diin sa kanyang mga sariling aral, nilinaw ni Francis na nais niyang magkaroon ng pagbabago sa paggabay ng kaparian sa mga Katoliko, sinabing hindi na dapat na maging mapanghusga ang simbahan at kondenahin ang sinumang mabigong mamuhay sa ideals of marriage and family life ng Ebanghelyo.

“I understand those who prefer a more rigorous pastoral care which leaves no room for confusion,” sulat niya. “But I sincerely believe that Jesus wants a church attentive to the goodness which the Holy Spirit sows in the midst of human weakness.”

National

Ilang araw bago ang New Year: Bilang ng mga naputukan, pumalo na sa 69

Sa masalimuot na isyu ng contraception, idiniin ni Francis na ang konsensiya ng bawat mag-asawa — hindi ang dogmatic rules na ipinataw sa lahat — ang dapat na maging gabay nila sa kanilang mga desisyon gayundin ang pastoral practice ng simbahan.

“We have been called to form consciences, not replace to them,” aniya.

Iginiit niya ang hangarin ng simbahan na maisama at tanggapin ang lahat ng miyembro nito.

“It can no longer simply be said that all those in any irregular situations are living in a state of mortal sin and are deprived of sanctifying grace,” sulat niya. Maging ang mga nasa “objective situation of sin” ay maaaring tumanggap ng grasya at maging kalugud-lugod sa mata ng Diyos sa pagsisikap na maging mabuti, aniya.

Ang paglabas ng dokumento ang pagtatapos ng dalawang taong konsultasyon sa mga karaniwang Katoliko at sa hierarchy ng simbahan na sinimulan ni Francis sa pag-asang maunawaan ang mga problemang kinakaharap ng mga pamilyang Katoliko at mabigyan sila ng mas mabuting pastoral care.

Sa footnote tungkol sa annulment, sinabi ni Francis na hindi dapat pinaparusahan ang mga taong muling nag-asawa. “By thinking that everything is black and white, we sometimes close off the way of grace and of growth and discourage paths of sanctification which give glory to God,” aniya. “Let us remember that a small step in the midst of great human limitations can be more pleasing to God than a life which appears outwardly in order but moves through the day without confronting great difficulties.”

Sa pagtalakay sa “responsible parenthood” at pagpaplano ng pamilya, hindi binanggit ni Francis ang pagkontra ng simbahan sa artificial contraception ngunit itinakwil ang abortion bilang “horrendous”.

Binanggit niya ang Vatican II document na “Gaudium et Spes” at sinabing: “Let them (couple) thoughtfully take into account both their own welfare and that of their children, those already born and those which the future may bring.

... The parents themselves and no one else should ultimately make this judgment in the sight of God.”

Idiniin ni Francis ang family planning method na itinataguyod ng simbahan na magpigil sa sex sa panahong fertile ng babae. Sinabi niya na ito lamang ang dapat na isulong at hindi ang iba pa na ipinagbabawal at iginiit na kailangang bigyan ng sex education ang mga bata, ngunit hindi ito dapat nakatuon sa “safe sex.”

Muli ring itinakwil ng dokumento ang gay marriage at inulit ang pagtutol ng simbahan sa same-sex unions at iginiit na walang katumbas ang kasal sa pagitan ng lalaki at ng babae.

Kinondena ni Francis ang “verbal, physical and sexual violence” na dinaranas ng maraming kababaihan sa kanilang kasal at itinakwil ang “sexual submission” at “reprehensible” practice ng genital mutilation.