BARCELONA (Thomson Reuters Foundation) – Makatutulong ang pagbawas sa pagsasayang ng pagkain sa buong mundo upang mabawasan ang mga emission ng mga gas na nagpapainit sa planeta, mapagaang ang epekto ng climate change gaya ng mas matitinding panahon at pagtaas ng dagat, sinabi ng mga scientist nitong linggo.

Aabot sa 14 na porsiyento ng emissions mula sa agrikultura sa 2050 ang maaaring maiwasan sa pamamagitan ng tamang pamamahala sa paggamit ng pagkain at mas maayos na distribusyon nito, ayon sa isang bagong pag-aaral mula sa Potsdam Institute for Climate Impact Research (PIK).

“Agriculture is a major driver of climate change, accounting for more than 20 percent of overall global greenhouse gas emissions in 2010,” sabi ng co-author na si Prajal Pradhan.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

“Avoiding food loss and waste would therefore avoid unnecessary greenhouse gas emissions and help mitigate climate change.”

Nasa 30 hanggang 40 porsiyento ng napoproduktong pagkain sa mundo ang hindi nakakain, dahil napapanis pagkatapos anihin at habang ibinabiyahe, o itinatapon ng mga tindahan o consumer.

Inaasahan ang malaking pagtaas sa bahagi ng nasayang na pagkain kapag ginaya ng mga umuusbong na ekonomiya tulad ng China at India ang pag-uugali sa pagkain ng mga Kanluranin, kabilang na ang pagkahilig sa karne, babala ng mga mananaliksik.

Habang umuunlad ang mas mahihirap na bansa at lumalaki ang populasyon ng mundo, ang emissions na iniuugnay sa pagsasayang ng pagkain ay maaaring umakyat mula 0.5 gigatonnes ng carbon dioxide equivalent per year sa 1.9 hanggang 2.5 gigatonnes bawat taon sa kalagitnaan ng siglong ito, ayon sa pag-aaral na inilathala sa Environmental Science & Technology journal.

Naniniwala ang marami na ang pagbawas sa pagsasayang ng pagkain at pamamahagi ng sobrang pagkain ng mundo kung saan ito kinakailangan ay makatutulong sa pagtugon sa pagkagutom sa mga lugar na walang sapat na pagkain – lalo na at limitado ang mga lupang sakahan.