collage (2) (1) copy

PINATUNAYAN ng celebrity wife na si Jessica Rodriguez Bunevacz na hindi lang siya isang mahusay na aktres, kaya rin niyang sumulat ng makabuluhang libro. Mababasa na ang kauna-unahan niyang libro, maging sa online, ang Date Like a Girl, Marry Like A Woman: The Polished Woman’s Guide to Love, Romance and Sex.

Sa loob ng 15 taon, si Jessica ay happily married sa triathlete at businessman na si David Bunevacz at sila ay nabiyayaan ng tatlong anak. Nag-migrate siya sa US kasama ang pamilya dahil sa mapait na karanasan maraming taon na ang nakalilipas. Ngunit sabi nga nila, you can’t put a good (wo)man down! At isa si Jessica sa mga babaeng may malalim na pananalig, maparaan, may talent, at malikhain.

Ginamit niya ang lahat ng katangiang ito upang mabuo ang kanyang libro at mapatunayang kahit anong pangarap na maituturing na mahirap abutin ay posible pa rin. At nagsilbing pruweba nito ang Date Like A Girl, Marry Like a Woman.

BALITAnaw

Ogie Diaz, pinagsabihan si Mark Fernandez nang makita 'bird' ng aktor

“I will be the first person to tell you that I never thought it was in me to write, much less author an entire book!

Since we resided in California, I have been in search of my real purpose. My relationships are always the best part of my life and I found I had it in me to inspire people, and actually give them sound advice about love and life.

So, I learned to write. And then I found my purpose. I hope people will enjoy reading this book as much as I had enjoyed writing it and sharing my life in the process,” sabi ni Jessica.

Ito ay magsisilbing gabay ng bawat babae kung paano magiging mabuti ang pakikisama sa kanilang “Mr. Right Now” at kung paanong hindi bumitiw kay “Mr. Right” kapag nahanap na nila ito.

Sa pagbibigay ng pinagsamang easy-to-follow rules at anecdotes, si Jessica Bunevacz ang kaibigang nais mong magkaroon at taong babalik-balikan mo para hingian ng payo. Hindi nito hinihiling na baguhin mo ang iyong sarili o magpanggap ka, kundi malaking tulong upang maging malaya at masaya ang isang babae habang nagmamahal.

Maaaring makabili ng online copy ng Date Like a Girl, Marry Like A Woman: The Polished Woman’s Guide to Love, Romance and Sex sa amazon.com