Handang tulungan ng dating pork barrel scam legal counsel na si Atty. Levito Baligod ang isang grupo ng kabataan na naghain ng kasong pandarambong sa Office of the Ombudsman laban sa vice presidential candidate na si Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. hinggil sa pagkakasangkot umano nito sa pork barrel fund scam.

Sinabi ni Baligod na may sapat na batayan ang reklamo ng iBalik ang Bilyones ng Mamamayan Movement (iBBM) sa Ombudsman, na bahagi ng ebidensiya ay ang siyam na Special Allotment Request Orders mula umano kay Marcos na pawang dumaan sa mga pekeng non-government organization (NGO) ni Janet Lim Napoles.

Sinabi ng iBBM na kabilang sa mga bogus na NGO ni Napoles ay ang Social Development Program for Farmers Foundation, Inc. (SDPFF) na pinaglagakan ng Priority Development Assistance Fund na hawak ng whistleblower na si Benhur Luy.

Si Baligod ay dating abogado ni Luy sa mga pork scam case na kinahaharap ni Napoles at ng mga senador na sina Juan Ponce Enrile, Bong Revilla Jr. at Jinggoy Estrada.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

Unang sinabi ni Baligod na ang pagkakasangkot ni Marcos at iba pang mambabatas sa PDAF scam ay bahagi ng kanilang reklamo na isinumite kay dating Justice Secretary Leila de Lima na hindi naman umano inaksiyunang lahat. (Bella Gamotea)