Nagkaisa ang mga kongresista ng administrasyon at oposisyon sa pagdarasal para sa tagumpay ng eight division champion na si Sarangani Rep. Manny “Pacman” Pacquiao na makakasagupa sa ikatlong pagkakataon ang Amerikanong boksingero na si Timothy Bradley, sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada, ngayong Linggo.

Kapwa positibo sina Speaker Feliciano Belmonte Jr. at House independent bloc leader Martin Romualdez na mananalo si Pacquiao sa pinakaaantabayanang bakbakan ng dalawang world-class boxer.

“Give it your best. At the end, it will be another triumph for you.

You have my prayers and best wishes Manny. Mabuhay,” ayon kay Belmonte.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Wala namang pagdududa si Romualdez na muling magdadala ng karangalan sa bansa si Pacquiao sa laban nito kay Bradley, na limang taong mas bata sa kongresista. “I wish you (Manny) all the very best of luck and we are sending all the positive vibes to help you win this fight,” pahayag ni Romualdez, na kandidato sa pagkasenador sa ilalim ng United Nationalist Alliance (UNA).

“Congressman Pacquiao showed excellence in many fields especially in boxing where he always plays with fervent passion. He continues to win the hearts of so many people here and abroad,” ani Romualdez.

Sa kanyang panig, sinabi ni Quezon City Rep. Alfred Vargas: “Pacquiao is a great source of pride of Filipinos and we wish him another victory.” (Charissa M. Luci)