UNITED NATIONS (AP) – Inihayag ng United Nations ang makasaysayang bilang ng mahigit 130 bansa na lalagda sa landmark agreement para harapin ang climate change sa isang seremonya sa Abril 22, sa U.N. headquarters.

Si Secretary-General Ban Ki-moon ang magiging punong-abala sa seremonya sa unang araw na bubuksan ito para sa paglagda sa kasunduang nabuo sa Paris noong Disyembre.

Sinabi ng U.N. na ang paglagda ng mahigit 130 bansa ay dadaig sa dating record na 119 na lagda sa pagbubukas ng international agreement para sa Law of the Sea treaty noong 1994.

Internasyonal

China, inalmahan maritime laws na pinirmahan ni PBBM