KUMPIRMADO at tuloy na tuloy ang concert ng Boy George and Culture Club sa Araneta Coliseum sa June 17 and 18.

Malaking balita ito, at tulad din ni Madonna, first time na magtatanghal ang naturang grupo sa Pilipinas. Ang kanilang two-night concert ay bahagi ng ongoing reunion tour nila sa U.S., London at Australia.

Kinikilala bilang global icon si Boy George at ang grupo niyang Culture Club na nabuo noong 1981 at nagbuwag noong 1986. Kabilang sa mga pinasikat nilang awitin ang Karma Chameleon, Love Is Love, Miss Me Blind, The War Song, Do You Really Want To Hurt Me?, at maraming iba pa.

Sumikat din si Boy George dahil sa estilo ng kanyang pananamit at itsurang pambabae.

Pelikula

Barbie Forteza, magkakaroon ba ng pelikula; sinong leading man?

Tumulak ang tagumpay ng kanilang grupo nang maging number one sa Top Ten U.S. Music Charts ang tatlong kanta nila mula sa iisang album. Sila ang kauna-unahang grupo na nagkamit ng ganito simula noong panahon ng The Beatles. Nanalo rin sila ng Grammy Award at napabilang ang kanilang album sa listahan ng Rolling Stone’s magazine 100 Best Albums of the 1980s.

Muling naglabas ng bagong awitin ang Culture Club noong nakaraang taon, ang More Than Silence. Mapapabilang ito sa isang bagong album na nakatakdang i-release ngayong taon.

Masayang-masaya si Boy George dahil tila hindi nagbago ang suporta ng kanilang fans sa buong mundo. Excited din siyang mag-perform sa Manila dahil alam niyang marami silang mami-meet na mga bagong kaibigan at tagahanga pagdating nila rito.

Abala si Boy George sa pagiging judge ng The Voice U.K. at pagkatapos nito ay muli silang babalik sa schedule ng kanilang concert tour.

“We’re rewriting the story of Culture Club,” wika ni Boy George. “This concert tour will be a new chapter and will definitely be part of the band’s history. And we’d like all our supporters, fans, and everyone to be part of that story.”

Ang Culture Club Featuring Boy George ay hatid ng Royale Chimes Concert & Events Inc. Available ang tickets ng kanilang concert sa Ticketnet at sa Araneta box office.