Trent Harmon

LOS ANGELES — Napasalampak sa entablado si Trent Harmon nang ipahayag ng host na si Ryan Seacrest na siya ang ika-15 final winner ng American Idol.

“I know that I have a God-given ability, but I didn’t want to take it for granted. I wanted to work so, so hard, and she pushed me to do it,” mangiyak-ngiyak na wika ni Harmon.

Si Harmon, 24, inilarawan ang kanyang sarili bilang “dude from Mississippi,” ay naging waiter sa restaurant ng kanilang pamilya bago sumali sa American Idol.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Nakuha niya ang boto ng mga manonood dahil sa kanyang mataas na boses at masiglang na stage presence, at siya ang huling kampeon dahil ito na ang huling pagtatanghal ng American Idol.

Samantala, si La’Porsha Renae, 22, mula rin sa Mississippi, sa lungsod ng McComb, single mom at naging inspirasyon sa mga manonood dahil sa pang-aabusong pinagdaanan niya at dahil sa laki ng kanyang boses.

Tinupad ng series executive producer na si Nigel Lythgoe ang kanyang pangako na magiging kakaiba at espesyal ang finale ng show kumpara sa mga nagdaang taon.

Nagsimula ang show sa pagkanta ng mga nagsipagwagi sa nakaraang seasons, nakaputing damit lahat, kasama ang magkakatunggaling sina Scotty McCreery, Taylor Hicks at Diana DeGarmo.

Ang iba pang pamilyar na mukha mula sa nagdaang season ay nagkaroon ng solo at group numbers ay kinabibilangan nina Carrie Underwood, Jennifer Hudson, David Cook, Fantasia, Ruben Studdard, Jordin Sparks at Kimberley Locke.

Nagkaroon din ng partisipasyon ang mga hurado. Nag-duet sina Keith Urban at Underwood at inawit naman ni Jennifer Lopez ang kanyang bagong single.

Si US President Barack Obama ang nagbigay ng opening remarks. At binati niya ang nasabing show at sinabing marami itong binigyan ng inspirasyon, lalo na ang kabataan. (Associated Press)