Pinaalalahanan ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz ang mga aplikante, lalo na ang mga fresh graduate, na ibigay ang tama at may-katuturang impormasyon para mapadali ang paghahanap ng trabaho.

“Don’t worry about the jobs. There are plenty available. Worry about how you can qualify as a new entrant to the labor market,” payo ng kalihim.

Isang paraan aniya sa pagkuha ng bagong impormasyon tungkol sa labor market ay sa pamamagitan ng pagsilip sa opisyal na job portal ng pamahalaan, ang PhilJobNet (e-PJN).

Tsika at Intriga

Bea, Julia, at Kim may 'common denominator' daw sa pagiging calendar girl

“You can begin with jobs that don’t require relevant experience, appropriate for those who are just beginning,” ani Baldoz.

Payo ng kalihim, ‘wag lamang maging mapili, basta ang mahalaga ay makakuha muna ng karanasan sa trabaho, dahil ang karanasan ay nakukuha lamang sa aktwal na pagtatrabaho, at maging pasensiyoso. (Mina Navarro)