LAS VEGAS (AP) – Muling papailanlang sa MGM Grand ang ‘baritone voice’ ng pamosong “Singing Pastors’ na muling napili ni eight-division world champion Manny Pacquiao para umawit ng Philippine national anthem sa gabi ng pagtutuos nila ng American Timothy Bradley bukas.
Maliban sa bagong miyembro na si Fil-Am Allan Palacios Tan, ang”core” ng grupo ang siyang aawit ng Lupang Hinirang para sa kampo ni Pacquiao.
Nagmula ang mga miyembro ng “Singing Pastors” sa iba’t ibang simbahan mula sa General Santos at Sarangani.
Ito ang ikatlong pagkakataon na ang grupo ang napiling maging bahagi ng kasaysayan sa panig ni Pacman.
Ang grupo rin ang umawit sa laban ni Pacquiao kontra Chris Algieri ng Macau may dalawang taon na ang nakalilipas, gayundin sa ‘Fight of the Century’ kontra Floyd Mayweather Jr. sa nakalipas na taon.
Kabilang sa mga A-list singer na umawit sa laban ni Pacman sina Martin Nievera, Regine Velasquez, Arnel Pineda, Geneva Cruz, Sarah Geronimo, Kyla, Karylle, Maria Aragon, Charice, La Diva, at Ciara Sotto.