Pinaalalahanan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista kaugnay sa road reblocking ng ilang kalsada sa Quezon City ngayong weekend.

Sinimulan ito ng Department of Public Works and Highways (DPWH) dakong 10 :00 ng gabi nitong Biyernes hanggang sa Abril 11, at maaari nang madaanan pagsapit ng 5 :00 ng umaga ng Lunes.

Ang mga kalsadang maaapektuhan ng reblocking ay: Commonwealth Avenue mula Simon St. hanggang sa tapat ng Batasan Road (ikalawang linya mula sa center island); P. Garcia St. paglagpas ng Magiting St. (ikalawang linya mula sa sidewalk); Highway Fatima Lagro (ikalawang linya), lahat ay patungong timog.

Sinabi ni Chairman Emerson Carlos na inirekomenda ng DPWH-National Capital Region Director Melvin Navarro ang reblocking and repair ng mga nasabing kalsada para sa maintenance purposes. (Anna Liza Villas-Alavaren)

'Para pa ba sa akin 'to?' Zephanie, muntik nang umexit sa showbiz