Isang buwan bago ang halalan sa Mayo 9, naglabas ang Commission on Elections (Comelec) ng hindi sapat na election fund para sa Philippine National Police (PNP).

Naglabas lamang ang Comelec ng P500 million sa PNP, mas mababa kaysa hiniling nitong P800 million, na gagamitin para sa operational expenses nito sa eleksiyon sa susunod na buwan.

Dahil dito, sinabi ni Director General Ricardo Marquez, PNP Chief, na kailangan nilang pagkasyahin ang napakalimitadong budget para sa pagkain, gasolina, transportasyon, at iba pang allowances at operations expenses.

“We requested for something like P800 million. What was given was something close to P500 million,” sabi ni Marquez sa paglalagda ng Memorandum of Agreement ng Joint Letter Directive kasama ang Armed Forces of the Philippines at Commission on Elections. Ang PNP ang nasa unahan ng seguridad ng halalan matapos alisin dito ang militar kasunod ng 2004 presidential election dahil sa mga alegasyon ng pandaraya sa halalan na kinasasangkutan ng military generals.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“The fund is set to be distributed to our field units,” sabi ni Marquez.

Aminado man na kulang talaga ang pondo, sinabi ng PNP chief na kailangan nila itong tanggapin dahil hindi nila maaaring abandonahin ang kanilang responsibilidad sa halalan dahil lamang sa kakulangan ng pondo.

Hindi ito ang unang pagkakataon na tumanggap ang PNP ng pondong mas mababa kaysa kanilang hiniling.

“Nothing is sufficient but we’ll make do what was given to us by Comelec. The guidelines on the distribution of this fund are heavy for our police stations,” sabi ni Marquez. (Aaron B. Recuenco)