HANOI, Vietnam (AP) – Iginiit ng Vietnam sa China na alisin ang oil exploration rig mula sa bahagi ng karagatan na pinag-aagawan ng dalawang bansa at itigil ang pagpapagulo sa sitwasyon sa pagkilos nang mag-isa.

Sinabi ni Foreign Minister spokesman Le Hai Binh nitong Biyernes na tutol ang Vietnam sa mga aksyon ng China at hinimok ito na tumulong sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon.

Ang Haiyang Shiyou oil rig ay naging sentro ng hamunan ng dalawang bansa noong 2014 nang ihimpil ng China ang oil rig malapit sa Paracel islands na inaangkin ng Vietnam bilang exclusive economic zone nito.
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina