Mga laro ngayon

(McKinley Hill Stadium)

3 p.m. – AdU vs UST

8 p.m. – DLSU vs UE

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Napuwersa ng National University ang defending champion Far Eastern University sa scoreless draw upang tapusin ang naitalang six- game winning streak ng Tamaraws sa pagpapatuloy ng UAAP Season 78 men’s football tournament sa Moro Lorenzo Field.

Halos humalik sa ilalim ng team standing sa ikaanim na puwesto, mayroon na ngayong 16 na puntos ang Bulldogs na nagpalakas ng tsansa nilang makahabol sa Final Four race.

“We could have scored one very important goal sana, yung kay Nico (Macapal). Sadyang heto ang ibinigay sa amin na result pero itrinabaho naman,” pahayag ni Bulldogs coach Wilhelm Laranas.

“Nagkaroon kami ng problema last few minutes kaya bumibigay ang team. Pero, they showed with a lot of heart kaya na-sustain namin,” aniya.

Nanatili namang nangingibabaw ang Tamaraws na may 24 na puntos, ngunit kasalo na nila ngayon ang University of the Philippines matapos nitong magtala ng 1-0 panalo kontra Ateneo.

Naka-goal si rookie King Miyagi tatlong minuto matapos ang restart upang ipanalo ang Fighting Maroons.

Ang Blue Eagles, nawala ang skipper na si Mikko Mabanag sa huling bahagi ng second half dahil sa nakuhang ikalawang yellow card, ay nanatiling may 18 puntos kasalo ng University of Santo Tomas sa ika-4 na puwesto. (Marivic Awitan)