Kinasuhan kahapon ng graft sa Sandiganbayan si North Cotabato Gov. Emmylou Taliño-Mendoza dahil sa maanomalyang pagbili ng gasolina, na nagkakahalaga ng mahigit P2.4 milyon, sa gasolinahang pag-aari ng kanyang ina.

Sinabi ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales na nakitaan ng probable cause upang kasuhan si Mendoza ng tatlong bilang ng paglabag sa Section 3(e) ng RA 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act).

Ayon sa record ng kaso, inaprubahan ni Mendoza ang pagpapalabas ng P2.4 milyon mula sa pondo ng lalawigan upang mabayaran ang 49,526.72 litro ng krudo para sa isang road grader at apat na dump truck na ginamit sa dalawang araw na road rehabilitation project.

Inihayag ng Ombudsman na direktang bumili ng krudo si Mendoza sa gasolinahan ng ina nito.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Paliwanag naman ng gobernadora, tanging ang Taliño Shell station lang ang “pumapayag na magpautang sa provincial government”.

“There was no compelling justification for dispensing with the requirement of public bidding. The great disparity between the estimated 552 liters of diesel actually consumed for the two-day road maintenance project in Magpet vis-à-vis the 20,833 liters actually paid for, is proof that the fuel-purchase transaction is illegal and that this transaction is obviously a scheme to pocket government funds,” ani Morales.

Paliwanag pa ng Ombudsman, pinalalabas ni Mendoza na ginamit sa nasabing proyekto ang nabiling diesel fuel, kahit maliit lang na bahagi ng nasabing krudo ang nakonsumo at ang iba pang bahagi nito ay ipina-convert sa cash upang mapakinabangan ng mga sangkot sa transaksiyon. (ROMMEL P. TABBAD)