ALAM mo ba kung bakit muling nabuhay si Jesus? Ayon sa isang henyo, si Jesus ay muling nabuhay dahil may nanghiram ng kanyang nitso ng isang linggo at ang mayamang may-ari, si Joseph of Arimathea, ay nangangailangan!

Pero siyempre, hindi ito ang tunay na dahilan. Kundi, nais ni Jesus na mapatunayan na ang kanyang prediksiyon at pangako ay matutupad.

Ang salita ng Diyos ngayong ikatlong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay ay nagsasabi kung paano nagpakita si Jesus sa kanyang mga disipulo sa ikatlong pagkakataon nang magtatakip-silim sa Dagat ng Tiberias. Ipinamalita ng mga lalaking ito sa buong mundo na buhay si Jesus at inihahayag ang Mabuting Balita.

Ang muling Niyang pagbabalik ay hindi naging madali dahil kung hindi muling nabuhay si Jesus, walang saysay ang ating buhay.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Gaya nga ng sinabi ni St. Paul, “Let’s eat, drink and be merry for tomorrow we die.” Period. Iyon na ang katapusan.

Ngunit, ang muling pagbabalik ni Jesus ang nagsasabi sa’tin na may buhay sa kabilang mundo.

Karamihan sa ating nga Kristiyano, gayunman, hindi mahirap paniwalaan na muling nabuhay ang Panginoon. Ngunit sa PRAKTIKAL na buhay, ito ay sobrang hirap lalo na’t kapag may mga pagsubok at kabiguan tayong nararanasan.

Halimbawa, labis tayong nananalangin para sa kagalingan ng may sakit o maging matagumpay sa negosyo, ngunit tila hindi naririnig ng Panginoon an gating panalangin.

Labis natin itong dinaramdam o kinukuwestiyon ang Panginoon.

Kapag tayo ay nakararanas ng pagsubok o panghihina, dapat nating alalahanin na ang pananalig natin sa ay walang pinipiling oras.

Kapag tayo ay may kinakaharap na problema, sinasabi natin, “Bakit ako, Lord?” pero kapag may nangyaring maganda, bakit hindi natin ito tinatanong? Na bakit ikaw ang napiling mabiyayaan? (Fr. Bel San Luis, SVD)