NAKATANGGAP ng sulat mula kay Monsignor Peter B. Wells, isang official of the Vatican Secretariat of State, ang actress-author na si Rita Avila. Naglalaman ng mensahe ang liham mula kay Pope Francis para sa release ng kanyang ikalawang libro for children.
Sa mga hindi nakakaalam, nag-publish si Rita ng coloring book version ng The Invisible Wings na nag-i-encourage sa mga bata na gumawa ng mabubuting bagay.
Masayang-masaya si Rita sa panibagong pangyayari sa kanyang buhay.
“The Holy Father wishes me to thank you for letter and the book which you sent him. He appreciates the devoted sentiments which prompted you to share your work with him,” sabi sa naturang sulat. “His Holiness will remember you in his prayers and he invokes upon you God’s blessing of joy and peace.”
Treasure para sa aktres ang mensahe sa kanya mula sa Vatican.
“Unang sulat, umiyak ako nu’n kasi hindi ako makapaniwala. Itong huli nakita ko, sabi ko may sulat na naman ako!
Sobrang mapagbigay na tao (si Pope Francis), binibigyan niya ng halaga ang bawa’t isa (sa atin),” pahayag ni Rita.
Nakagawian na niya ang pagsusulat ng libro para maibsan ang pangungulila sa kanyang anak na si Elia Jesu, na after three months old pagkapanganak ay binawian ng buhay, ten years ago.
“‘Tinuturo niya na ang paghihirap ay laging nakikita ng Panginoon at sinusuklian niya tayo,” sabi pa ni Rita.
(Ador Saluta)