Jennylyn copy copy

INAMIN ni Jennylyn Mercado na napi-pressure siya sa una nilang tambalan ni John Lloyd Cruz sa Just The 3 of Us ng Star Cinema na ipalalabas na sa April 27. 

Lahat kasi ng pelikulang may tatak-JLC, pawang hit sa takilya.

“Oo naman, grabe ‘yung pressure pero siyempre ayokong mag-expect ng kahit ano. Hindi rin ako nag-i-expect ng kahit ano pero siyempre ‘yung mga ginawa niyang pelikula puro blockbusters so nakakatakot baka hindi ko mapantayan.”

Trending

Tikiman time! Kakasa ka bang kainin ang Pomegranate?

Mahirap pa naman daw siyang mag-adjust sa mga bagong kalakaran.

“Medyo matagal po talaga akong nakakapag-adjust, hindi lang sa set, sa lahat ng nangyayari sa buhay ko.”

Kakaiba ang role ni Jennylyn sa Just The 3 of Us kumpara sa mga nauna na niyang pelikula. Isa siyang ground stewardess at piloto naman si John Lloyd.

“Para sa akin kasi it’s different, usually, di ba ‘yung natatapos na magkaka-family, magkaka-baby. Ito magsisimula siya nang may baby, anong gagawin n’yo? ‘Tapos ‘yung character ko naman iba rin kasi first time kung gumawa ng character na dumating na sa point na ano... nababaliw na siya, ganyan, lumuka-luka na.”

Sa set visit sa Just The 3 of Us sa Angeles City, Pampanga, sinabi ni Direk Cathy Garcia Molina na magkakaroon ng love scenes scenes ang dalawang bida niya. Ang sabi ni Jennylyn tungkol dito, “Ano naman, eh, maganda ‘yung pagkakagawa ni Direk. Medyo intense pero maganda. Tulad no’ng sabi ni Direk, si John Lloyd very gentle talaga siya, takot siyang hawakan ako.” 

Kung may negatibo mang narinig kamakailan tungkol sa working style ni Direk Cathy, positibo naman ang experience ni Jennylyn sa team ng box-office director.

“Sobrang saya ng set namin, eh. Ano siya... laging nakatawa, bungisngis. Ang dami kong natutunan kay Direk mula sa maliliit na detalye hanggang sa malalaki. Talagang no’ng nag-shooting ako ‘tapos nag-taping ako sabi ng mga kasama ko, ‘Aba sinusunod mo na ‘yung mga utos ni Direk sa ’yo, nadala mo na hanggang taping.’ So, ibig sabihin magaling na director. At it’s a good sign na madami talaga akong nagga-grab sa kanya na mga techniques na kung anu-ano, ang dami po talaga at nagpapasalamat ako na nakatrabaho ko ang isang magaling na director,” sey ni Jen.

Ilang Kapamilya actors na rin ang nakatrabaho ni Jennylyn gaya nina Sam Milby and Jericho Rosales, pero dedma siya nang tanungin kung sino ang pinakamahusay na katrabaho sa tatlo?

“Ayokong mag-compare, magkakaiba silang tatlo, makakaiba talaga, totally different, magkakaiba ‘yung personalities.”

(ADOR SALUTA)