Alden at Maine copy

MULING pinasaya nina Alden Richards at Maine Mendoza ang AlDub Nation nang mag-celebrate sila ng kanilang 38th Weeksary last Thursday, April 7. Matapos kumain ng halu-halo sa labas ng Broadway, pumasok na sila sa studio na may dalang halu-halo para sa hosts sa kalyeserye na sina Vic Sotto, Allan K at Ryan Agoncillo.  

Siyempre tilian ang fans na nag-akalang sa labas uli magaganap ang kalyeserye tulad noong Wednesday na hinamon ng one-on-one sa basketball ni Maine si Alden. 

Marunong palang maglaro ng basketball si Maine na akala mo ay very fragile pero may pagka-sporty rin pala.

Human-Interest

Higanting coral, naispatan; mas malaki pa raw sa blue whale?

Pero ang one-on-one ay ginawang heart-to-heart talk nina Alden at Maine at nag-reminisce sila ng kanilang memorable moments simula nang una silang magkita sa kalyeserye noong July 16, 2015.  

Narito ang ilang palitan nila ng tanong at sagot...

Alden: “Crush mo ba talaga ako noon?” 

Maine: (Sa halip na sumagot ng ‘yes’ or ‘no’.) “Cute ka kasi.”

Kaya kinulit siya ng mga host na sagutin lang ang tanong at sagot ni Maine: “Oo.”  

Umamin din si Alden na naging crush niya si Maine dahil kakaiba siya sa lahat, at naging curious din siya sa ka-love team, like kung paano siya off-camera, paano siya kumain, ano ang gusto niya, kaya raw pinadalhan niya ng isang box ng sweets na ngayon lang na-confirm ni Maine na kay Alden pala galing.

Ang nagustuhan ni Maine sa kanya ay ang pagiging cute niya kahit noong una silang magkita sa Candy Fair five years ago, kahit hindi sila magkakilala, kaya nagpa-picture ito sa kanya noon.

For 38 weeks, ano ang memorable moments na hindi malilimutan?

Ayon kay Maine, tini-treasure niya noong hindi pa sila nagkikita, iyong pasulyap-sulyap lang sila. Hanggang ngayon ay binabalik-balikan ni Maine ang episodes na hindi pa sila magkakilala, wala pa iyong “Tamang Panahon”, tulad noong una silang magkita sa van na nakatali ang mga kamay at naka-blindfold ang binata. 

Si Alden, that moment daw ay gusto nang mahawakan si Maine, pero hindi nga siya nabigyan ng chance.  

Lagi nilang inaabangan ang pagdating ng Sabado dahil muli silang magkikita. Sa buong buhay daw ni Alden, noong panahong iyon lamang siya nai-excite, at kay Maine lahat ang firsts niya.

Kung bagay si Maine, relo siya para kay Alden dahil hindi niya kayang magising sa umaga at i-pass-by ang bawat araw na wala siyang relo, dahil gusto niya ay lagi niyang kasama ang relo niya, (hmmm... may special watch na birthday gift ni Maine kay Alden, di ba?). Saka hindi raw ba kung may taong special sa iyo, bibigyan mo siya ng time mo, ang that is ‘love’.

Aminado si Alden na seloso siya, nagselos na ba siya?  

Yes, pero kung kanino, ibinulong na lang niya kay Maine at kung sino ang talagang pinuntahan niya noon sa Candy Fair, ibinulong na lang din ni Maine sa binata.

Inamin ng dalawa na tini-treasure nila ang moments na sila lamang dalawa ang magkasama kung walang camera o walang sinumang nakasunod sa kanila. 

“Iba po si Alden kapag kaming dalawa lang ang magkasama,” sabi ni Maine. 

“Nai-express namin ang sarili namin.”

“Saka lagi po akong ‘nakahubad’,” sabi ni Alden, na ang ibig sabihin, ang nakikilala ni Maine ay si Richard Faulkerson, Jr. at hindi si Alden Richards.

Kaya hindi na naniniwalang ang fans na wala pa silang relasyon, dahil sa kanilang body language at moments na parang sila lamang dalawa ang nagkakaintindihan. Kaya hihintayin na lang daw nila ang pormal na pag-amin kahit sabi nga nina Alden at Maine, mahaba-haba pa ang kanilang lalakbayin.  

Ngayong Sabado, may outing ang mga maglola, kasama si Alden at sina Yaya Pak (Boobay) at Yaya Git (Petite). inaabangan ng Aldub Nation kung saan sila pupunta. (NORA CALDERON)