DJIBOUTI (Reuters) – Napanalunan ni Ismail Omar Guelleh ang ikaapat niyang limang-taong termino bilang pangulo ng Djibouti sa eleksiyon nitong Biyernes, tumanggap ng 87 porsiyento ng mga boto, inihayag kahapon ni Interior Minister Hassan Omar.

Nanalo rin Guelleh, tumakbo sa ilalim ng UMP party, sa huling halalan noong 2011, at humakot ng 80% boto.

Ayon kay Omar, sumunod kay Guelleh ang kandidato ng opposition coalition na si Omar Elmi Khaireh, na nakatanggap ng 7%, o 9,400 sa 133,356 na boto. Habang idineklara namang invalid ang 3,844 na balota.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture