Naghain ng reklamo sa National Telecommunications Commission ( NTC) si dating Congressman Rolex Suplico laban sa Wi-Tribe Telecoms, Inc. (WTTI), High Frequency Telecommunication, Inc. ( HFTI), at New Century Telecoms, Inc. (NCTI).

Nais ni Suplico na kanselahin ng NTC ang provisional authority at frequency assignment na ipinagkaloob ng ahensiya sa mga naturang telco dahil ang 700 megahertz na frequencies na itinalaga sa mga ito ay hindi ginagamit sa matagal nang panahon .

Aniya, paglabag ito sa mga kondisyon na nakapaloob sa prangkisang ipinagkaloob ng NTC.

Matapos maghain ng reklamo sa NTC, sinabi ni Suplico na bigo umano ang Wi-Tribe, HFTI at NCTI na matugunan ang mga kondisyon na nakasaad sa kanilang prangkisa.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Paliwanag pa ni Suplico, ngayo’y first nominee ng Abyan Ilonggo Party-list, ang 700 megahertz frequency assignment na hindi naman ginagamit ng tatlong telcos ang karaniwang ginagamit na frequency para sa 4G at Long Term Evolution (LTE) deployment sa mundo, na mas mabilis ang Internet connection.

Kung nagagamit lang, aniya, ang naturang frequency ay mas epektibo ito dahil tumatagos sa mga gusali at mas malawak ang coverage. Bukod dito, mababawasan din ang pagpapatayo ng mga cell site gamit ang naturang sistema ng komunikasyon. (Jun Fabon)