NEW YORK (AP) — Naibenta na ang upuang ginamit ni J.K. Rowling sa pagsusulat ng dalawang serye ng kanyang librong Harry Potter sa New York City nitong Miyerkules, sa halagang $394,000.

Binili ito ng isang private colletor, ayon sa Heritage Auctions.

Ang nasabing upuan ay isa sa apat na mismatched chairs na ibinigay sa hindi pa sumisikat noon na manunulat sa Edinburgh, Scotland, na ginamit niya habang isinusulat ang Harry Potter and the Sorcerer’s Stone at Harry Potter and the Chamber of Secrets.

Ayon sa nagbenta, si Gerald Gray, ng Worsley, England, ang nanalong bid ay malayo sa kanyang inaasahan.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“I plan to donate 10 percent to J.K. Rowling’s charity, Lumos, because that’s what she did in the first place,” ani Gray, isang negosyante na nagpapatakbo ng automobile speed control equipment company sa Manchester, England, at sa Sarasota, Florida, na nagngangalanang AutoKontrol.

Aniya, nais niyang makilala ang bagong nakabili at makita ang nasabing upuan kung saan makikita ito ng mga bata, maaaring sa museum o sa theme park.

Binili ni Gray ang upuan noong 2009 nang makita ito ng kanyang anak, isa sa mga tagahanga ng Harry Potter, sa eBay.

Bago nai-donate ni Rowling ang upuan sa “Chair-rish a Child” auction bilang suporta sa National Society for the Prevention of Cruelty to Children noong 2002, tinitikan niya ito ng, “You may not/find me pretty/but don’t judge/on what you see”. Nilagyan niya rin ng “I wrote/Harry Potter/while sitting/on this chair”.

Ang nasabing upuan ay may kalakip na liham mula kay Rowling na ang nilalaman ay: “Dear new-owner-of-my-chair. I was given four mismatched dining room chairs in 1995 and this was the comfiest one, which is why it ended up stationed permanently in front of my typewriter, supporting me while I typed out ‘Harry Potter and the Philosopher’s Stone’ and ‘Harry Potter and the Chamber of Secrets’. My nostalgic side is quite sad to see it go, but my back isn’t. J. K. Rowling.”

Ang unang libro ay inilabas sa United States noong 1998 na may titulong Harry Potter and the Sorcerer’s Stone.

“The characters that Rowling created are the super heroes of the millennials as Batman and Superman were for the Sixties,” ayon kay Rick Rounick, may-ari ng Soho Contemporary Art gallery. “The chair that Rowling claims gave her the magic to create the world of Harry Potter is a singularly significant object of her art and creative energy.”