LOS ANGELES (AP) — Pormal na ipinahayag ng Ultimate Fighting Championship (UFC) na idedepensa ni Miesha Tate ang women’s bantamweight title kontra Amanda Nunes sa UFC 200 sa Hulyo 9.

Ito ang unang pagdepensa ni Tate (18-5) sa women’s 135-pound belt mula nang maagaw ang korona via fifth-round submission kay Holly Holm sa nakalipas na UFC 196. Si Holm ang unang fighter na tumalo kay UFC star Ronda Rousey.

Naitala ni Tate ang ikalimang sunod na panalo buhat nang mabigo kay Rousey noong Naagaw ni Holm ay korona kay Rousey sa impresibong TKO sa second round. Bunsod ng kabiguan, inaasahang magbabalik aksiyon si Rousey sa Oktubre.

Tangan ni Nunes (12-4) ang kartang limang panalo sa huling anim na laro. Huli siyang natalo kay dating title contender Cat Zingano.

Karl Eldrew Yulo, pamilya raw pinakamagandang regalong natanggap

Tatampukan ang UFC 200 nang rematch sa pagitan nina Nate Diaz at Conor McGregor.